Ngayong Disyembre 31 ay mayroong 12 aktibong kaso ng COVID-19 sa UP Diliman at Barangay UP Campus. Makikita ang mga purok o komunidad sa UP Campus kung nasaan ang mga aktibong kaso sa mapang kasama sa stat report. Ang mapa ay gawa ng Special Committee ng UP Diliman COVID-19 Task Force.
Nakasalalay sa ating matiyagang pag-iingat ang patuloy na pagbaba ng mga aktibong kaso hanggang sa ang mga ito ay tuluyang mawala.
Sa pagsalubong natin sa bagong taon, tandaan natin na hindi pa rin tapos ang laban kontra sa COVID-19. Iwasan pa rin po natin ang mga pagtitipon-tipon. Sa ngayon ay hinihikayat na ang lahat ng pagdiriwang, tulad ng media noche, ay gawin sa birtuwal na paraan.
Kung kailangang magdaos ng pagtitipon, limitahan natin ito sa ating pamilya o sambahayan, at mahigpit na sundin ang mga pangkalusugang protokol – magsuot ng face mask at face shield, ugaliing maghugas ng mga kamay at panatilihin ang physical distancing. Nawa’y alagaan natin ang ating mga sarili at mga mahal sa buhay.
Harapin natin ng may bagong pag-asa at pagkakaisa ang taong 2021.