
Ngayong Abril 21, mayroong naitalang isang aktibong kaso ng COVID-19 sa UP Diliman at Barangay UP Campus batay sa stat report na gawa ng Special Committee ng UP Diliman COVID-19 Task Force.
Huwag pa rin nating kaligtaang sumunod sa mga pangkalusugang protokol. Sa mga hindi pa nababakunahan at sa mga maaari nang tumanggap ng booster shot laban sa COVID-19, makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan hinggil sa iskedyul ng pagbabakuna bilang dagdag na proteksyon laban sa COVID-19.