![](https://upd.edu.ph/wp-content/uploads/2022/12/318588129_478878967680032_1071557723306089750_n.jpg)
Mayroong 12 aktibong kaso ng COVID-19 sa UP Diliman at Barangay UP Campus batay sa stat report na gawa ng Special Committee ng UP Diliman COVID-19 Task Force.
Hinihikayat ang lahat na sumunod pa rin sa mga pangkalusugang protokol upang maprotektahan ang sarili laban sa COVID-19. Sa mga hindi pa nababakunahan at sa mga maaari nang tumanggap ng mga booster shot laban sa COVID-19, makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan hinggil sa iskedyul ng pagbabakuna.