![](https://upd.edu.ph/wp-content/uploads/2022/09/upd-weekly-report-8-sept-2022.jpg)
Ngayong Setyembre 8, mayroong 14 na aktibong kaso ng COVID-19 sa UP Diliman at Barangay UP Campus batay sa stat report na gawa ng Special Committee ng UP Diliman COVID-19 Task Force.
Pinapaalala sa lahat na doblehin pa rin ang pag-iingat at sumunod sa mga pangkalusugang protokol upang maging ligtas laban sa COVID-19. Sa mga hindi pa nababakunahan at sa mga maaari nang tumanggap ng mga booster shot laban sa COVID-19, makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan hinggil sa iskedyul ng pagbabakuna.