Mayroong 41 aktibong kaso ng COVID-19 sa UP Diliman at Barangay UP Campus ngayong Agosto 4 batay sa stat report na gawa ng Special Committee ng UP Diliman COVID-19 Task Force.
Sa muling pagtaas ng bilang ng mga aktibong kaso sa ating komunidad mula sa 15 noong nakaraan, mahigpit na ipinapaalala sa lahat na sundin ang mga pangkalusugang protokol tulad ng pagsusuot ng face mask, paghuhugas ng mga kamay, at pagpapanatili ng social distancing upang maging ligtas mula sa COVID-19. Para naman sa lahat ng mga hindi pa nababakunahan at sa mga maaaring tumanggap ng booster shot laban sa COVID-19, makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan hinggil sa iskedyul ng pagbabakuna.