Campus

OC ibinahagi ang paglulunsad ng ACF 2021

 

(ENERO 22)—Ibinahagi ngayong araw, Enero 22, ng Opisina ng Tsanselor (OC) ng UP Diliman (UPD) ang nalalapit na paglulunsad ng mga aktibidad na bumubuo sa UPD Arts and Culture Festival 2021 (ACF 2021)..

Ayon sa Memorandum Blg. FRN-21-006 ni Tsanselor Fidel R. Nemenzo na may petsang Enero 13, ang ACF 2021, na ilulunsad sa Pebrero 1 at magtatagal hanggang Abril, ay isang paggunita ng ika-50 taon ng Diliman Commune at ng ika-500 anibersaryo ng pagtatagpo ng Pilipinas at Espanya.  Ito ay kaalinsabay sa pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng Sining.

“Ang nasabing pagdiriwang ay binubuo ng mga gawaing magpapamulat sa mga kasalukuyang mag-aaral ng kahalagahan ng mga nabanggit na engkwentro bilang bahagi ng pagbubuo ng kasaysayan,” ayon sa nilagdaang memo ng Tsanselor.

Isang pagdiriwang sa pamumuno ng OC at inorganisa ng Office for Initiatives in Culture and the Arts (OICA), ang ACF 2021 ay pinamagatang “Engkwentro: Barikada Singkwenta at Ika-500 Taon ng Pagtatagpo ng Pilipinas at Espanya” (Engkwentro).

Ginugunita din ng Engkwentro ang tagumpay ng labanan sa Mactan at ng pagpapakilala ng Kristiyanismo sa bansa.

Ang Engkwentro ay binubuo ng mga gawaing nagtatanghal ng iba’t ibang anyo ng sining at porma ng pakikipagtalastasan na nahahati sa 14 na yugto. Ang lahat ng ito ay maaring mapanood ng birtwal o sa online format sa Facebook page ng OICA (www.facebook.com/updoica) at sa kanilang YouTube channel (www.youtube/channel/UPD-OICA).

Ang mga yugtong tinuring ay ang: “Barikada Singkwenta: Pagpupugay at Paggunita” (isang maikli at taimtim na pag-alala sa pagiging bahagi ng mga mag-aaral sa mga usaping panlipunan noong dekada 70) Pebrero 1, 5:30 n.h., Bulwagang Quezon/University Avenue; “Engkwentro: Sa(lay)say Diliman Commune” (isang eksibisyong birtwal), Pebrero 1, 7 n..g.; at “en (KWENTrO: Mga Kwento ng Enkwentro” (isang public art installation project), Pebrero 1, 3 n.h.

Nariyan din ang: “Talastasan sa Kasaysayan: Serye ng mga Webinar” (Serye ng mga talakayan ng UP Departamento ng Kasaysayan bilang paggunita sa ika-500 taon ng pagiging bahagi ng Pilipinas sa unang pag-ikot sa mundo at ika-50 taon ng Diliman Commune), Pebrero 2 – Abril 23; “Kwentong Mulat: The Diliman Commune Virtual Pasyal” Pebrero 9 – 28; “Saysay ng Salaysay: Paggunita sa Pagtatagpo ng Puwersa at Pamayanan” Pebrero 17 – 14 (itatampok dito ang mga karanasan ng mga artista at iskolar ng Kolehiyo ng Arte at Literatura sa iba’t ibang engkwentro); at ang “The Boxer Codex Reimagined: A Re-Viewing and Re-Creating of the Illustrations of Filipinos in the Codex through Digitally Generated Images,” Pebrero 26.

Ilulunsad din ang mga sumusunod na yugto ng Engkwentro: “Obras Arquitectonicas en el Ultramar: Arquitectura Mestiza and the Built Environment in the Philippines (isang gawaing may online exhibit sa Marso 5, at webinar tuwing Biyernes ng Marso mula Marso 5 – 26); “Of Crosses and Culture: An Anthropological Look at 500 Years of Christianity in the Philippines (An online forum),” Marso 10, 8:30 n.u – 4:30 n.h.; at “Pagdiriwang 2: Christianity and Popular Devotion – An Online International Conference on Folklore and Heritage,” Marso 17 – 18.

Ang apat pang mga yugto ay ang: “Sabang: Early Southeast Asian-European Intercultural Encounters (An Online Conference),” Marso 18 – 20, 8 n.u- 5 n.h.; The 2nd Consuelo J. Paz Lecture: A thumbnail sketch of Philippine Linguistics during the Spanish Colonial Period by Dr. Arwin Vibar (An Online Lecture), Marso 19, 2-4 n.h.; Tugon: Community Reflects on Historical Moments, Abril 26; at ang iba pang mga Inisyastiba ng mga organisasyon ng mga mag-aaral ng UPD.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.facebook.com/updoica at iba pang social media accounts ng OICA. — Mariamme D. Jadloc

 

Photo credit: https://xiaochua.net/2013/02/02/xiaotime-1-february-2013-diliman-commune/?fbclid=IwAR3XszKt82Q8qX95i07qM4oc0y_BFJRfogycC4fcp2Ri9cC3JyHcLMBoi5c

 


[?????????? ??????? ??????? ???????] Sa ika-siyam at huling araw ng paggunita ng Diliman Commune @50, iniimbitahan namin kayong tunghayan ang birtuwal na eksibit na ??????????: ??(??)???? ?? ??????? ???????. Bisitahin ang website sa https://engkwentro.upd.edu.ph/

Isang natatanging pagkakataon ang taong ito na makasama namin kayo. Katulad ng nabanggit ni Ginoong Rolando Soncuya, isang communard, “After 50 more years, the players in the Diliman commune should all been dead. What remains is to document and propagate the lessons that we can derive from this experience. It is important that exercises like these be continued to further document the Diliman Commune because after 50 more years, all the eyewitnesses will be gone, only documents will remain” (2021).

#UPDArtsCultureFestival2021 #Engkwentro #Barikada50 #DilimanCommune #NAM2021

 


Kaalinsabay ng pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng Sining sa darating na Pebrero 2021, gugunitain ng Unibersidad ng Pilipinas ang dalawang mahahalagang engkwentro sa kasaysayan ng Pilipinas: ang Diliman Commune noong 1971 at ang pagtatagpo ng Pilipinas at Espanya noong 1521.

Inihahandog ng Opisina ng Tsanselor at UP Diliman Office for Initiatives in Culture and the Arts (UPD-OICA) ang ?? ??????? ???? ??? ??????? ???????? ????, “??????????: ???????? ?????????? ?? ???-??? ???? ?? ?????????? ?? ????????? ?? ???????,” na gaganapin mula Pebrero hanggang Abril 2021.

Ngayong taon, ating balikan ang dalawang mahalagang pagtatagpo na ito na humubog sa kasaysayan ng ating bansa.

I-like at i-follow ang UPD-OICA para sa mga updates ng #UPDArtsCultureFestival2021.

 

See less
  • Share:
Tags: