Walang pasok sa UPD sa SONA

(HUL. 23)—Suspendido ang trabaho sa UP Diliman sa Lunes, Hulyo 27, dahilan sa antisipasyon na magiging mahirap ang papunta at pabalik sa kampus dulot ng State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, sang-ayon sa Memorandum No. FRN-20-025 inilabas ng Opisina ng Tsanselor ngayon Hulyo 23.

Ang mga kawani na nagtatrabaho na Certificate of Service at Job Order basis ay kinakailangang makipag-ugnayan sa kanilang superbisor kung nanaisin nilang sa bahay magtrabaho sa araw na iyon.

Ang bahagi ng Commonwealth Avenue mula Philcoa hanggang Tandang Sora ay sarado sa trapiko mula 7 n.u. hanggang bandang hapon.

 

MEMO No. FRN-20-025 on Suspension of Office on July 27, 2020

Posted: July 23, 2020 17:00