Announcements

SAWIKAAN: Salita ng Taon 2018 Call for Entries

Ano ang Sawikaan?

Isang masinsinang talakayan para piliin ang pinakanatatanging salitâng namayani sa diskurso ng sambayanang Filipino sa nakalipas na taon.

Ano ang mga salitâng maaaring ituring na “Salita ng Taon”?

  • Bagong imbento
  • Bagong hiram mula sa katutubo o banyagang wika
  • Luma ngunit may bagong kahulugan
  • Patáy na salitâng muling binuhay

Sino ang maaaring lumahok sa “Salita ng Taon”?

Bukás ito sa sinumang interesado at/o makawika lalo na yaong mga eksperto sa larang na nagpatanyag sa diskurso ng lahok na salita. 

Proseso ng Paglahok sa Sawikaan

1) Magsumite ng isang pahinang panukala na naglalamán ng: a) etimolohiya o pinagmulan ng salita; b) mga tiyak na gamit ng salita; c) mga dahilan kung bakit dapat kilalaning “Salita ng Taon” ang inilahok na salita. 

2) Ipadala ang panukalang lahok sa o bago ang 17 Agosto 2018 sa Diliman Information Office, 2nd Floor Villamor Hall, Magsaysay Avenue, Diliman, Lungsod Quezon o sa pamamagitan ng email: fitsawikaan2012@gmail.com. Maaaring magpadala ng higit sa isang lahok.  

3) Pagpapasiyahan ng Kalupunan ng Filipinas Institute of Translation (FIT), UP Diliman Information Office (UPDIO), at Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) kung alin sa mga panukalang salita ang karapat-dapat na piliin bilang mga nominado para sa “Salita ng Taon.” Makatatanggap ng liham na nagpapabatid na natanggap ang inyong lahok.

4) Ang pipiliing panukalang salita ay bubuo ng ganap na papel na may mas komprehensibong pagpapaliwanag hinggil sa salita na sinusuportahan ng pananaliksik at sanggunian. Isusumite ito sa o bago ang 14 Setyembre 2018.

5) Magkakaroon ng presentasyon ng mga nominadong salita sa “Pambansang Kumperensiyang SAWIKAAN 2018” na gaganapin sa 26 Oktubre 2018, sa UP Diliman, Lungsod Quezon.

6) Magiging pangunahing batayan ng pagpili ng “Salita ng Taon” ang: a) lawak ng saliksik; b) bigat ng patunay; c) linaw ng paglalahad at pangangatwiran.

7) Pipili ng una, ikalawa, at ikatlong “Salita ng Taon.” At may ipamimigay ring mga sorpresang gantimpala!

Para sa detalye, makipag-ugnay kay Eilene G. Narvaez sa mobile no. 0925-7102481 o magpadala ng mensahe sa email na fitsawikaan2012@gmail.com.

 

SAWIKAAN: Salita ng Taon 2018 (English version)