Uncategorized

Pagpapanday sa Panata at Pagsinta

June 7, 2021 


Chancellor Nemenzo with his family, friends, and colleagues: UPD Vice Chancellor Raquel Florendo, UP PGH Director Gerardo Legaspi, UP and BOR Secretary Roberto Lara, UPD Vice Chancellor Aleli Bawagan, UPD Vice Chancellor Louise Jashil Sonido, UP President Danilo Concepcion, UPD Chancellor Fidel Nemenzo, Dr. Marivic Raquiza, UPD Vice Chancellor Adeline Pacia, UPD Vice Chancellor Ma. Theresa Payongayong, UPD Vice Chancellor Gonzalo Campoamor II, UPD University Registrar Venice Lusung-Oyzon, and Dr. Jose Maria Balmaceda

 

Chancellor Nemenzo with his wife and son: Dr Marivic Raquiza and Anton Nemenzo

 

Koleksiyon ng mga Mensahe ng Pagsuporta para kay Tsanselor Fidel R. Nemenzo


 

Iskolar. Guro. Mananaliksik. Panlipunang Kritiko. Tagasulong ng pagbabago. Lumalaban. Fidel R. Nemenzo.

Saksihan at birtuwal na sumama sa kanyang pagtatalaga bilang ika-11 Tsanselor ng UP Diliman, sa 7 Hunyo 2021, ika-2 n.h.

 


 

Pagtatalaga kay Nemenzo bilang ika-11 UPD Tsanselor

UP Diliman Information Office Opisyal na itatalaga ng Lupon ng mga Rehente (BOR) ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) si Prop. Fidel R. Nemenzo, DSc. bilang ika-11 Tsanselor ng UP Diliman sa isang birtuwal na seremonya na gaganapin sa Hunyo 7, 2 n.h.

Isang propesor ng Matematika sa Kolehiyo ng Agham, si Nemenzo ay hinirang ng BOR bilang Tsanselor sa ika-1350 na pagpupulong nito noong Peb. 3, 2020.

Ang seremonya ay may temang Pagpapanday sa Panata at Pagsinta at masasaksihan sa live stream sa opisyal na website at YouTube channel ng UPD.

Tampok din sa seremonya ang opisyal na pagtatalaga at pagpapakilala sa publiko ng mga bise tsanselor sa ilalim ng administrasyon ni Nemenzo. Sila ay sina: Prop. Ma. Theresa T. Payongayong, PhD, (Gawaing Akademiko); Prop. Adeline A. Pacia, MTM, (Administrasyon); Prop. Gonzalo A. Campoamor II, PhD, (Pananaliksik at Pagpapaunlad); Prop. Louise Jashil R. Sonido, MAMS, (Gawaing Pangmag-aaral); at Prop. Aleli B. Bawagan, PhD, (Pagpaplano at Pagpapaunlad).

Ipapakilala rin sa seremonya ang mga administrador ng UPD.

Magtatanghal sa seremonya sina Lara M. Maigue, Rody Vera, Upeng Fernandez, Dodjie Fernandez, Jared Luna, JM Cabling, Michael Que, Abbey Carlos, Sarah Samaniego, Alexa Torte, Paul Morales (koryograpiya), Noel Cabangon, Cooky Chua, RJ Balledos, ang UP Symphonic Orchestra, at ang UP Singing Ambassadors.

Si Nemenzo ay dating naglingkod bilang Bise Tsanselor para sa Pananaliksik at Pagpapaunlad mula 2014 hanggang Peb. 29, 2020.

Siya ay may Master of Science (1992) at Doctor of Science (1998) mula sa Sophia University sa Tokyo, Japan at siya ay dalubhasa sa number theory, elliptic curves at coding theory. Nagtapos si Nemenzo ng BS Mathematics sa UPD noong 1985.

Naging kasapi siya ng fakulti ng UPD Surian ng Matematika noong 1992.  Ilan sa kanyang mga natanggap na karangalan ay ang Achievement Award in Mathematics mula sa National Research Council of the Philippines (NRCP) noong 2013 at ang Gawad Chanselor Pinakamahusay na Guro noong 2005.  Naging kasapi rin ng NRCP Governing Board at tagapangulo ng NRCP Division II (Mathematical Sciences).

 

Programa

 

  • Share:
Tags: