Notices

Pabatid ng OVCCA hinggil sa Pagbibigay ng COVID-19 Vaccine Booster sa UPHS

Ipinababatid ng UP Diliman Office of the Vice Chancellor for Community Affairs na ang Bakunahan sa Diliman ay ililipat sa UP Health Service (UPHS) mula sa College of Human Kinetics Gym sa mga susunod na linggo.

Ang iskedyul naman ng pagbibigay ng booster dose na Moderna vaccine para sa lahat ng kawani ng UPD (regular, kontraktwal, o agency hired), faculty, estudyante, dependents, at barangay residents ay simula ngayong Disyembre 20 hanggang bukas, Disyembre 21, 7:00 n.u- 6:00 n.g. sa UPHS.

Basahin ang poster para sa iba pang detalye.

Mag-iwan lamang ng mensahe sa OVCCA Facebook page (https://www.facebook.com/ovcca/) o tumawag sa 8981-8500 local 8601 o 2591 para sa mga katanungan.