Pitumpu’t limang mag-aaral ang ginawaran ng parangal ng Office for Initiatives in Culture and the Arts (OICA) sa ilalim ng UP Diliman (UPD) Performing Arts Scholarship Program (PASP) at UPD Visual Arts and Cultural Studies Scholarship Program (VACSSP), Okt. 9 sa The Forefront, University Theater.
Ang mga iskolar ng dalawang programa ay tatanggap ng tuition and other fees waiver para sa unang semestre ng akademikong taon 2017-2018. Ang pagkakaloob ng waiver ay dumaan sa masusing ebalwasyon at rekomendasyon ng OICA Advisory Council at inaprubahan ng Tsanselor.
VACSSP. Ang iskolar sa ilalim ng VACSSP ay kumukuha ng kursong na-uugnay sa visual arts sa UPD. Rekisito sa programa na ang iskolar ay manlilikha sa sining, ginagabayan ng isang faculty-artist, inirekomenda ng tagapangulo ng kanyang departamento at may kaaya-ayang mga obra base sa pagsusuri ng mga hurado.
Sa unang pagkakataon, 18 mag-aaral ang ginawaran ng VACSSP. Labing-pito rito ay di-gradwado at isa ay gradwado: Raya Sidhi D. Amado, Joselle D. Cervania (Certificate in Fine Arts [CFA], Visual Communication); Joshua Ianiel C. Arcipe, Hannah Shireen C. Co, John David R. Ragasa (CFA, Painting); Ara Isobel G. Mercado (Bachelor of Fine Arts (BFA), Painting); Winona A. Racho, Kim Alexis D. Santiago (BFA, Visual Communication); Charmaine Lou S. Aranton (BA Theatre Arts); Jose Luis R. Buan (BA Art Studies); Hannah Kayreen M. Aliwate (BA Broadcast Communication); Katrina Isabelle G. Catalan, Jessa Mae G. Sargento, Christine Joyce R. Silva, Anna Katrina V. Tejero (BA Film); Catriona Rae S. Yeneza (BS Interior Design); Shanelle Faith R. Ang (B Landscape Architecture); at Iris Angela L. Ferrer (MA Art Studies: Art Theory and Criticism).
Taunan ang aplikasyon sa programa. Ang mga iskolar ay maaaring gawaran muli sa mga susunod na semestre kapag namintina ang general weighted average na 2.25 o mas mataas pa at patuloy silang lumilikha sa sining.
Inaprubahan ang VACSSP sa ika-1325 na pagtitipon ng Lupon ng Rehente noong Dis. 16, 2016.
PASP. Sa pangalawang taon, 57 naman ang ginawaran ng PASP. Sila ay nagmula sa pitong official performing arts group ng UPD na kinikilala sa pamamagitan ng UPD Honorific Award for Student Performing Arts Group.
Ang mga ginawaran ay sina Al Paolo D. Castillo, Aleithea Danielle A. Cerbo, Terrence Jethro A. Tolentino, Matthew Joseph A. Yango ng UP Concert Chorus; Jose Gabriel N. Eugenio, Marveen Ely M. Lozano, Leong Sil Rose Y. Panuelos, Aisha Josephine L. Polestico, Ma. Alexa Andrea R. Torte ng UP Dance Company; Khate B. Martinez ng UP Kontemporaryong Gamelan Pilipino; Beatrix Ann P. Guerrero, Michael Ian P. Marasigan, Malvin Daniel C. Ramos, Nicolyn Angelica H. Sese, Veronica Rainne W. Setias, Aliana R. Suminar ng UP Repertory Company; Ysabelle Coelyn M. Bacila, Viannae Agnes D. Bagasbas, Eduard Andrei S. Borrega, Gianna Fay Beatrice A. Cabral, Christine Angelica G. Evangelista, Mary Margery B. Loyola, Redge Marie R. Maliksi, Allyjah Viene L. Ogad, Rochelle Anne Joy V. Roxas ng UP Singing Ambassadors; Laya Isabel H. Alampay, Raya Mae T. Aquino, John Arsenio G. Barrion, Maria Celeste M. Barroso, Marx Vincent A. Cobol, Maria Angelika S. Domingo, Salvador Raphael R. Duran, Alyssa Tatiana E. Escota, Mary Agnes C. Espina, Juliane M. Fernandez, Gabriel H. Isidro, Eryka V. Lucas, Riane Mitzi B. Manuel, J. Siegfred Salvador D. Mison, Ingrid Aira P. Nicanor, Maria Patricia Carmela P. Rodriguez, Laurence Jason Noel R. Santiano, Jasper C. Villasis ng UP Streetdance Club; Jeffrey Thomas S. Abueg, Ian Dominic C. Atayde, Christian Daniel R. Borres, John Vincent E. Burgos, Maricris B. Dionisio, Michael Nino G. Lazaro, Aries R. Olivares, Jean Clarizz P. Petrasanta, Aubrey M. Sacop, Draizen Genesis T. Sanchez, Prince Jezreel V. Santiago, Sarah Joy S. Señase, Eunice P. Tejedor, at Lawrence R. Valenzuela ng UP Symphonic Band.
Pinagtibay ang PASP at HASPAG sa ika-1312 na pagtitipon ng Lupon ng Rehente noong Okt. 20, 2015.
Nanguna sa pamamahagi ng sertipiko sina Prop. Sir Anril P. Tiatco, PhD, officer in charge ng OICA, at Prop. Maria Bernadette L. Abrera, PhD, dekana ng Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya.
Dumalo rin sa gawad ang iba pang kasaping dekano ng OICA Advisory Board na sina Prop. Armin B. Sarthou, Jr. (Arkitektura), Prop. Ma. Amihan B. Ramolete, PhD, (Arte at Literatura), Prop. Ronualdo U. Dizer (Kinetikang Pantao), Prop. Elena E. Pernia, PhD, (Komunikasyong Pangmadla), at Prop. Leonardo C. Rosete (Sining Biswal). Dumalo rin bilang kinatawan ng Office of the University Registrar si G. Aaron Mallari ng Departamento ng Kasaysayan.
Si Prop. Bryan L. Viray ng Departamento ng Komunikasyong Pasalita at Sining Panteatro ang nagsilbing tagapagpadaloy ng palatuntunan.
Bilang pagpapamalas ng kahusayan ng mga artistang-mag-aaral, nagtanghal sina Lozano at Torte, mga miyembro ng UP Dance Company ng isang sayaw na pinamagatang “Udlot-udlot,” koreyograpiyang likha ni Elena Laniog-Alvarez.