Campus

Linggo ng Parangal 2016

 

Malawak at malalim ang kabuluhan ng hinabing tela sa maraming etnolinggwistikong pangkat sa kapuluan ng Pilipinas. Malawak dahil sa samu’t saring layon ng mga telang ito sa iba’t ibang panahon, lunan, at antas ng pamumuhay ng mga Pilipino: mula pagsilang hanggang pagtawid sa kabilang buhay. Malalim dahil ang gamit ng mga tela ay hindi lamang humahangga sa pagtaklob bilang panangga, kundi pagpapamalas din ng angking kakayahang lumikha ng mga bagong anyo o salaminin ang ginagalawang kapaligiran. Sa taong ito, ang habi ang kakatawan sa Linggo ng Parangal ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Sinisimbolo nito ang pagsasala-salabat ng mga kasapi ng pamayanan ng UP Diliman upang makabuo ng di-mapipilas na hangaring kumalinga sa sambayanan. Ang pagdakila ng Unibersidad sa mga kasapi nitong gaya ng telang nagbibigay-ginhawa sa katawan ay walang-humpay sa pagbibigay-karangalan at karilagan sa pamamagitan ng mga serye ng palatuntungang magbibigay-pugay sa mga natatanging guro, mag-aaral, REPS at kawani.

 

16 Mayo 2016, Lunes, 6 n.g., Harap ng Bulwagang Rizal (Faculty Center)
Seremonya ng Pagbubukas: Pag-alaala at Parangal sa Lingkod Komunidad

Mga piling larawan mula sa Seremonya ng Pagbubukas: Pag-alaala at Parangal sa Lingkod Komunidad

17 Mayo 2016, Martes, 2 n.h., Bulwagang Malcolm, Kolehiyo ng Batas
Parangal sa Programang Ekstensiyon

Mga piling larawan mula sa Parangal sa Programang Ekstensiyon

18 Mayo 2016, Miyerkules, 1 n.h., Teatro ng Unibersidad
Parangal sa Mag-aaral 

Mga piling larawan mula sa Parangal sa Mag-aaral

19 Mayo 2016, Huwebes, 2 n.h., GT-Toyota Auditorium, Sentrong Asyano
Parangal sa Retirado 

Mga piling larawan mula sa Retirado

20 Mayo 2016, Biyernes, 2 n.h., Awditoryum ng Linangan ng Biyolohiya
Gawad Tsanselor

Mga piling larawan mula sa Gawad Tsanselor