Ang Gawad Rolando Tinio sa Tagasalin o Translator’s Prize ay naglalayong mabigyan ng mas malaking puwang ang pagsasalin ng mga teksto at akdang nasusulat sa iba’t ibang wika sa Filipinas patungo sa pambansang wika. Ang pagsasalin ng mga akda ay paraan upang mas maintindihan ang mga ito at mapahalagahan ng mga mambabasang Filipino.
Para sa 2019, ang mga kategorya ng Gawad Rolando Tinio ay Nobela, Tula at Epikong Bayan. Sa mga lalahok sa kategoryang Nobela at Tula, bibigyan ng priyoridad ang mga akdang klasiko, kanonigo, at/o sinulat ng mga Pambansang Alagad ng Sining.
Ang huling araw ng pagpapasa ng lahok ay 31 Mayo 2019. Ipadala ang mga dokumento sa:
Cultural Dissemination Section
Plan/Policy Formuation and Programming Division
National Commission for Culture and the Arts
633 General Luna St., Intramuros, Manila 1002