Kaibuturan, Sounding the Core: Instalasyon ni Dayang Yraola
Date: Mar 30 | 4:30 PM - 6:30 PMTunghayan ang sound activation ng “Kaibuturan, Sounding the Core” (Kaibuturan) na instalasyon ni Dayang Yraola na gaganapin sa Marso 30, Linggo, 4:30 n.h., sa UP Diliman University Amphitheater.
Mapapanood at mapapakinggan dito ang pagtatanghal ni Hiroko Nagai,PhD, James Gazmin, at ng buong Kaibuturan Ensemble.
Inaanyayahan din ang lahat na dumalo sa mga susunod na pagtunog ng Kaibuturan sa Abril 20, Mayo 25, at Hunyo 15.
Ang Kaibuturan ay bahagi ng “Kalikhasan: Outdoor Art Projects in Campus Ecology.”
Ito ay isa sa mga aktibidad para sa “UP Diliman Arts and Culture Festival 2025,” na may temang “Kalahok sa Nagbabagong Kalikasan.”