Calendar of Events

Mon
Tue
Wed
Thu
Fri
Sat
Sun
M
T
W
T
F
S
S
2
3
6
2:00 PM - Finding Nellie
7
9
10
14
21
23
25
27
28
1
2
3
4
5
Events on Sep 6
Finding Nellie
6 Sep 25
Events on Sep 24
Events on Sep 29

Linggo ng Parangal: Gawad Tsanselor 2024

Date: Jun 21 | 2:00 PM - 4:00 PM

Bilang panghuling aktibidad para sa pagdiriwang ng “Linggo ng Parangal 2024,” idaraos ang “Gawad Tsanselor 2024” ngayong Biyernes, Hunyo 21, 2 n.h., sa Awditoryum ng Linangan ng Biyolohiya, UP Diliman.

Pararangalan ng Unibersidad ang mga guro, mananaliksik sa Filipino, REPS (research, extension, and professional staff), kawani, mag-aaral, at programang pang-ekstensiyon para sa kanilang mga natatanging pagpapamalas ng dangal at husay, at buong-pusong paglilingkod sa Unibersidad at sa bayan.

Gagawaran ng mataas na pagkilala ng UPD ang 15 indibidwal at dalawang programang pang-ekstensiyon.

Ang mga nagwagi ay binubuo ng dalawang natatanging programang pang-ekstensiyon, limang natatanging mag-aaral, tatlong natatanging kawani, dalawang natatanging REPS, isang natatanging mananaliksik sa Filipino, at apat na natatanging guro.