Calendar of Events

<< Jun 2024 >>
MTWTFSS
27 28 29 30 31 1 2
3 4 5 6 7 8 9
10 11 12 13 14 15 16
17 18 19 20 21 22 23
24 25 26 27 28 29 30

CAL Bahaginan Research Forum: Tebiya: Katutubong Pananaliksik sa Bukal ng Talinghaga

  • Date: 21 Oct 2022 | 5:00 PM - 6:30 PM

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng mga Katutubo 2022, ang talakayang “Tebiya: Katutubong Pananaliksik sa Bukal ng Talinghaga” ay gaganapin sa Biyernes, Oktubre 21, 5:00 n.h.-6:30 n.g. sa pamamagitan ng Zoom.

Tampok bilang tagapagsalita si Mary Jane Rodriguez-Tatel, PhD, kawaksing propesor ng UP Diliman (UPD) Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas (DFPP).

Ito ay inorganisa ng UPD College of Arts and Letters (CAL), katuwang ang DFPP at ang UPD Office for Initiatives in Culture and the Arts, bilang bahagi ng CAL Bahaginan Research Forum.

Upang makilahok, magrehistro sa https://tinyurl.com/CALBahaginanOkt2022.

Mapapanood din ito nang live sa Facebook page at YouTube channel.