Extension

“Damayan” para sa komunidad ng UP

Sa gitna ng pagbangon mula sa pinsalang dulot ng bagyong Odette at sa muling pagtaas ng kaso ng mga tinamaan ng COVID-19, pinaigting ng All UP Workers Union (AUPWU) ang proyektong “Damayan sa Diliman.” 

Ayon kay Eva Garcia Cadiz, bise presidente ng AUPWU, ang proyekto ay para sa mga kawani at kanilang mga pamilyang nangangailangan ng tulong. Ipinaabot din niya na bukas ang AUPWU Diliman Chapter sa pagtulong sa mga kasamang kawani sa Visayas. 

Sa mga nais magpaabot ng tulong o di kaya ay nangangailangan ng tulong, maaaring tumawag o mag-text sa: 0936-9647330 (Globe), at 0960-5214780, 0960-5214980, at 0919-5983351 (Smart).

“Kailangan ang ating patuloy na pagkakaisa at malasakit sa isa’t isa. Paigtingin natin ang diwa ng damayan,” ani Cadiz.

Poster ng Damayan sa Diliman. Poster na mula sa All UP Workers Union Diliman Chapter.