Research

Daluyan: Journal ng Wikang Filipino online na

daluyan2Ni Haidee C.Pineda.(Nov. 12)—Ang “Daluyan: Journal ng Wikang Filipino” Tomo 20 ng Sentro ng Wikang Filipino (SWF) ay online na.

Ang Daluyan ay isang refereed journal na inaasahang malathala dalawang beses kada taon. Ito ay monolingguwal sa Filipino at may layuning paunlarin ang pag-aaral at pananaliksik tungkol sa wika, panitikan at kulturang Filipino at pagyamanin ang diskurso sa iba’t ibang disiplina gamit ang wikang Filipino.

Kabilang sa mga artikulong mababasa sa bagong isyu ay ang introduksyon mula sa editor ni Rommel B. Rodriguez, “Kumbatihan ng Lunan: Talabtaban ng Pag-iral sa Calvario ng Mauban” ni Nelson N. Turgo, “Tribuhada” ni Eulalio R. Guieb III, “Iilang Aral mula sa Bayan ng Hakuna Matata: Paghahambing ng mga Suliraning Panlungsod ng Metro Nairobi at ng Metro Manila” ni José Edgardo A. Gomez Jr., “Wika at Identidad: Wikang Bikol Bilang Lunan ng Bikolnon, 1890-1956” ni Peñafrancia Raniela E. Barbaza, “Ilang Tala Tungkol kay Krishnamurti” ni U Z. Eliserio, “(Ini)lihim sa Dagat: Mga Salaysay ng Pagsubok at Pakikibaka ng mga Pilipinong Seaman” ni Joanne Visaya Manzano, “Ang Salitang Dula: Talinghaga ng Di-nasupil na Diwa ng Paglaya” ni Glecy C. Atienza, “Ganito na Noon, Ganito uli Ngayon: Pagtalunton sa Kasaysayan at Daynamiks ng Multilinggwal na Edukasyon sa Pilipinas” ni Pamela C. Constantino, “Rebyu ng Aklat: Glosari ng mga Salita sa pagpaplanong Urban at Rehiyonal” ni Jayson D. Petras at “Panayam kay Dr. Teresita G. Maceda: Alagad ng Wika, Tagapagsulong ng Wikang Filipino” ni Schedar D. Jocson at Zarina Joy Santos.

Para sa mga katanungan tungkol sa Daluyan, tumawag sa SWF sa (02) 981-8500 lokal 4584 at hanapin si Faye Vera Cruz.

  • Share:
Tags: