Notices

UPD COVID-19 TASK FORCE ADVISORY

Para sa lahat ng nabakunahan ng Sputnik V sa UP-CHK Vaccination Site:

Ang pangalawang dose ng Sputnik V ay naka-iskedyul na ibibigay bukas, Miyerkules, ika-14 ng Hulyo, at sa Huwebes, ika-15 ng Hulyo 2021.

Lahat ng vaccinees o babakunahan ay pinadalhan ng email at text ng kanilang bagong iskedyul kasama ang oras ng kanilang bakuna. Kung kayo ay hindi nakatanggap ng kahit na isang abiso o impormasyon, maaaring sumulat sa covid19.taskforce@up.edu.ph.

Iwasan po na natin ang pagpunta sa bakunahan sa hindi takdang oras o petsa. Dahil lampas sa isang libo ang inaasahan na magpapabakuna sa mga araw na nabanggit, mahigpit tayong susunod sa iskedyul na binigay sa mga vaccinees o babakunahan para maiwasan ang pagdagsa ng mga tao.

Maraming salamat po.

Para sa mga detalye, pakibasa po ang nasa larawan sa baba.