Para sa lahat ng nabakunahan ng Sputnik V sa UP CHK Vaccination Site:
Nais po naming iparating sa inyo na mauurong ang pagbibigay ng pangalawang dose ng inyong bakuna.
Ipinaalam sa atin ng Quezon City LGU at ayon rin sa national government, ito ay dahil sa hindi makakarating ang delivery ng bakuna mula sa supplier sa itinakdang iskedyul. Para sa detalye nito, magtungo lang sa https://www.facebook.com/QCGov/posts/605195730868188
Nilinaw naman sa pahayag ng NTF for COVID-19 na hindi mawawalan ng bisa ang unang dose kung maantala man ang pagtanggap ng pangalawang dose.
Ang mga apektadong iskedyul ay ang sumusunod:
Hulyo 2 at 3
Hulyo 5, 6 at 7
Hulyo 10
Sa oras na dumating ang pangalawang dose ng Sputnik V, makakaasa kayong padadalhan namin agad ng abiso ang lahat ng naapektuhang vaccinees sa pamamagitan ng email o sms para sa inyong bagong iskedyul.
Ang lahat ng impormasyong ito ay na-email at na-text na rin nitong nakaraang linggo sa mga kinauukulan.
Habang inaantay natin ang supply ng bakuna, patuloy tayong sumunod sa minimum health and safety protocols. Ingat at maraming salamat.