UPD-Bulletin-2020-25
Dahil sa biglang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa UP Health Service (UPHS) at Kanlungang Palma (KP), pansamantalang isasara ang UPHS mula Lunes, Hunyo 29 hanggang Huwebes, Hulyo 2 para sa swabbing ng mga empleyado nito. Ito ay base sa konsultasyon sa isang Infectious Disease Specialist ng Philippine General Hospital. Ang disinfection ng UPHS ay gagawin sa Huwebes, Hulyo 2 bilang paghahanda sa muling pagbubukas nito sa Biyernes, Hulyo 3.
Ang telemedicine services ng UPHS ay magpapatuloy. Pumunta sa www.uphs.appointlet.com para kumuha ng appointment sa doktor. Para sa emergency cases, tumawag sa mga sumusunod na numero:
Hunyo 29 – 0916 540 8552
Hunyo 30 – 0961 540 8561
Hulyo 1 – 0916 540 8552
Hulyo 2 – 0961 540 8561.
Ang KP ay mananatiling bukas at magpapatuloy ang swabbing operation nito. Tumawag sa 8981-8500 loc. 2492 para makipag-ugnayan sa KP.
Ang mga naka-schedule na flu vaccination ay magpapatuloy sa No. 61 Apacible St., 8 n.u. hanggang 12 n.t. at 1 hanggang 4 n.h. Makipag-ugnayan sa UPHS Public Health Unit sa 0947 427 9281. Ang mga naka-schedule na opisina at yunit ng UPD ay dapat magpapunta lamang ng limang (5) tao kada batch para matiyak ang physical distancing.
Humihingi kami ng paumanhin sa anumang abalang maidudulot nito, nais lamang naming matiyak ang kaligtasan at kalusugan ng komunidad.
Salamat sa inyong pang-unawa at kooperasyon. Manatili tayong alerto at ligtas.