UPD-Bulletin-2020-23

UPD-Bulletin-2020-23

Ikinalulungkot naming ipaalam sa komunidad ng UPD na pito sa ating frontliners sa Kanlungang Palma at UP Health Service (UPHS) ay nagpositibo sa COVID-19. Lahat sila ay naka-isolate na at natunton na rin ng UPHS Public Health Unit ang kanilang mga nakasalamuha.

Matapos kumonsulta sa Infectious Disease Specialist mula sa Philippine General Hospital, ang serbisyo ng Kanlungang Palma at UPHS ay magpapatuloy.

Makaaasa kayong maigting na mino-monitor ng UPHS ang sitwasyon ng COVID-19 sa kampus at babalitaan ang komunidad tungkol dito.

Manatiling ligtas ang lahat!

Posted: June 23, 2020 19:31