Notices

UPD-Announcement-2020-s.19

Ang mga Filipino ay kilala sa masayang pagdiriwang ng Kapaskuhan. Nariyan ang mga Christmas party, family reunion, pagtitipon-tipon ng magkakaibigan, pagbibigayan ng mga regalo, at marami pang iba.

Ngunit, ang banta ng COVID-19 ay nananatili pa rin, at nakikita natin ang muling pagdami ng mga kaso ngayong Kapaskuhan. Iwasan muna ang pagdaraos ng office parties at mga pagtitipon-tipon. Sa ngayon, hinihikayat namin ang mga yunit ng UPD na ipagdiwang ang Pasko sa birtuwal na paraan.

Kung talagang kinakailangang magdaos ng party, reunion at pagtitipon, limitahan natin ito sa ating pamilya o sambahayan, at mahigpit na sundin ang mga pangkalusugang protokol tulad ng paghuhugas ng mga kamay, pagsusuot ng face mask at face shield at pagpapanatili ng physical distancing.

Nais natin pigilan ang pagdami ng mga kaso ng COVID-19. Tandaan, mas mainam nang umiwas kaysa magkasakit.

Manatili tayong ligtas. Alagaan ang ating mga sarili at mga mahal sa buhay. Nawa ay magkaroon tayo ng isang hindi malilimutan at malusog na Pasko. Umaasa kaming magkikita tayo mula sa 2021 kapag bumuti na ang mga bagay-bagay.

 

  • Share:
Tags: