Extension

Kapit, Yakap, Tindig: How UP Diliman Took on the Challenge of COVID-19

Pabalat ng “Kapit, Yakap, Tindig: How UP Diliman Took on the Challenge of COVID-19.” Ang larawan sa pabalat ay kuha ni Eloisa May Hernandez. Disensyo ni Jefferson Villacruz, UPDIO

Ang “Kapit, Yakap, Tindig: How UP Diliman Took on the Challenge of COVID-19” ay ilulunsad ngayong Hunyo 20 sa Seremonya ng Pagbubukas ng Linggo ng Parangal 2022.

Ang aklat ay binubuo ng mga tinipong kuwento ng mga karanasan ng mga kasapi ng komunidad ng UP Diliman (UPD) sa panahon ng pandemyang COVID-19.

Sinasalamin nito ang mga hamong hinarap at patuloy na hinaharap nang buong tapang ng mga taga-UPD at ang mga tugon sa mga ito. Tinatalakay rin dito ang mga hakbang na nagbigay-tulong at pag-asa sa bawat nangangailangan. Ipinapakita ng mga kuwento ang pagkakapit-bisig ng mga miyembro ng komunidad ng UPD upang makaagapay sa gitna ng pandemya.

Makikita rin sa aklat ang mga larawan ng biglaang pagbabago sa pisikal na tanawin sa loob ng kampus sa nakalipas na dalawang taon.

Malaki man ang ipinagbago sa tanawin at kalakaran sa UPD, baon ng aklat na ito ang katatagan at positibong pananaw na makababangon ang Unibersidad at ang sambayanan sa pagsubok na dulot ng pandemya.

Maaaring mabasa o i-download ang aklat dito: Kapit, Yakap, Tindig: How UP Diliman Took on the Challenge of COVID-19.