Tales of the Manuvu
Date: Feb 28 | 3:00 PM - 9:00 PMBilang bahagi ng paggunita sa Pambansang Buwan ng Sining, inaanyayahan ang lahat na saksihan ang “Tales of the Manuvu” sa Pebrero 27 at 28, Biyernes at Sabado, 3 n.h. at 7 n.g., sa University Theater, UP Diliman (UPD).
Ang “Tales of the Manuvu” ay isang rock opera ballet ni Pambansang Alagad ng Sining para sa Sayaw Alice Reyes at hango sa libretto ni Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan Bienvenido Lumbera.
Upang makapagreserba ng tiket, bisitahin ang bit.ly/talesofthemanuvu o i-scan ang QR code na nasa larawan.
Ang libreng pagtatanghal na ito ay handog ng UP Opisina ng Presidente, kasama ang Alice Reyes Dance Philippines. Bahagi ito ng pagdiriwang ng “UPD Arts and Culture Festival 2026” na may temang “Isang Unibersidad para sa Isang Inklusibo at Mapagkalingang Lipunan.”
