Sustainability Fiesta 2026
Date: Apr 24 | 8:00 AM - 11:30 AMInaanyayahan ang buong komunidad ng UP Diliman (UPD) na dumalo sa “Sustainability Fiesta 2026” sa Abril 24, Biyernes, 8 n.u., sa UPD Sunken Garden Grandstand.
Ang tema ngayong taon ay “Arugâ: Paglilinang ng Luntiang Komunidad.”
Sa mga nais dumalo, magrehistro lamang sa https://forms.gle/Z3y3FnzVexhEwvAd8 o i-scan ang QR code na nasa larawan.
Ito ay inorganisa ng UPD Environmental Management Office.
