SICAP 2026: Sama-samang Tagumpay sa Karera
Date: Feb 13 | 1:00 PM - 5:30 PMInihahandog ng UP Diliman Alumni Relations (UPD AR) ang serye ng mga palihan sa “SICAP 2026: Sama-samang Tagumpay sa Karera” na gaganapin sa Pebrero 13, Biyernes, 1:00–5:30 n.h., sa UP Theater Main Hall Lobby, UP Diliman (UPD).
Ang SICAP o “Serbisyo sa Iskolar: Career Applications and Preparation 2026” ay “isa sa mga palihan na kabilang sa mga programa ng UPD Office for Initiatives in Culture and the Arts (OICA) para sa ‘UPD Arts and Culture Festival 2026.’”
Ito ay bukas sa mga mag-aaral at alumni ng UPD.
Sa mga nais lumahok, magrehistro lamang sa bit.ly/SICAP2026.
Mag-email sa alumnirelations.upd@up.edu.ph para sa mga katanungan.
Ang aktibidad na ito ay inorganisa ng UPD AR, kasama ang UPD Office of the Vice Chancellor for Academic Affairs, Diliman Information Office, at OICA.
