Sari-sari Theater Workshop for Kids
Date: Aug 7 | 1:00 PM - 5:00 PMIpinababatid ng UP Diliman Gender Office na ang bagong petsa ng “Sari-sari Theater Workshop for Kids” ay sa Huwebes, Agosto 7, 1–5 n.h., sa UP Fine Arts Gallery, UP Diliman.
Ito ay bukas para sa batang edad 8 hanggang 11 at sa kanilang magulang at tagapag-alaga.
Para sa mga nais makilahok, magrehistro lamang sa https://forms.gle/nhziLbyWDZfPEoBw6.
Ang palihan ay bahagi ng “Petals and Playgrounds,” isang eksibit ukol sa queer na pagkabata at inklusibong sining.