Pinatunguhan at Patutunguhan: Mga Metodohikal na Repleksyon mula sa mga Bagong Henerasyon ng Sosyologo
Date: Oct 22 | 9:00 AM - 12:00 PMInaanyayahan ng UP Diliman (UPD) Departamento ng Sosyolohiya ang mga mag-aaral, kaguruan, at kawani ng UPD na dumalo sa panayam na “Pinatunguhan at Patutunguhan: Mga Metodohikal na Repleksyon mula sa mga Bagong Henerasyon ng Sosyologo” sa Miyerkoles, Oktubre 22, 9 n.u.–12 n.h., sa Pilar Herrera Lecture Hall, Palma Hall, UPD.
Ito ay bahagi ng pagdiriwang ng UPD Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya (KAPP) ng “Linggo ng KAPP 2025.”
