Pag-iilaw para sa Pasko
Date: Dec 5 | 5:30 PM - 7:30 PMInaanyayahan ang buong komunidad ng UP Diliman (UPD) na saksihan ang “Pag-iilaw para sa Pasko” sa Disyembre 5, 5:30 n.h., sa Oblation Plaza.
Ito ang hudyat ng pagsisimula ng pagdiriwang ng Kapaskuhan sa UPD.
Matutunghayan dito ang tradisyonal na pagsisindi ng mga Pamaskong ilaw sa buong kampus sa pangunguna ng pangulo ng UP at ng tsanselor ng UPD.
Mapapanood din ito nang live sa opisyal na Facebook pages ng UPD (https://www.facebook.com/OfficialUPDiliman) at ng Opisina ng Bise Tsanselor para sa Gawaing Pangkomunidad (https://www.facebook.com/ovcca).
Bahagi ito ng mga aktibidad para sa “2025 Year-End Program” ng UPD na may temang “Abé-abé/Kaisa.”
