Lagablab Diliman: Maalab at taas-kamaong pagpupugay sa UP Fighting Maroons!
Date: May 14 | 5:00 PM - 9:00 PMAng āLagablab Dilimanā ay gaganapin bukas, Mayo 14, ika-5 n.h., sa UP College of Human Kinetics. Ito ay pagbibigay ng isang maalab at taas-kamaong pagpupugay sa UP menās basketball team sa pagkamit nito ng kampeonato sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 84 basketball tournament.
Sa mga dadalo, basahin ang mga pangkalusugang protokol na nasa larawan.