Ang Natatanging Ngaratngat: Ang Buhay ni Leonardo Co, Siyentista ng Bayan
Date: Jul 20 | 2:00 PM - 4:00 PMAng aklat pambata na pinamagatang “Ang Natatanging Ngaratngat: Ang Buhay ni Leonardo Co, Siyentista ng Bayan” ay ilulunsad sa Hulyo 20, Lunes, 2–4 n.h., Pav 1131, Palma Hall, UP Diliman (UPD).
Ang aklat ay isinulat ni Monfred C. Sy, katuwang na propesor sa UPD Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, at iginuhit ng ilustrador na si Glenn F. Gonzales ng Tambisan sa Sining.
Sa mga nais dumalo, magrehistro lamang sa https://forms.gle/NGG2brsQt3pZGNzWA o i-scan ang QR code na nasa larawan.
Ito ang bagong aklat pambata sa seryeng Sulong Agham ng Supling Sining, Ink. at UPD Kolehiyo ng Agham.
