AlternaTV: Ang Katotohanan sa mga Marcos at Martial Law
Date: Jul 7 | 4:00 PM - 8:00 PMInaanyayahan ng UP Film Institute (UPFI) Film Center at Altermidya Network ang lahat na dumalo sa libreng community screening event na pinamagatang “AlternaTV: Ang Katotohanan sa mga Marcos at Martial Law” na gaganapin ngayong Hulyo 7, 4 n.h. sa Cine Adarna ng UPFI Film Center.
Tampok dito ang dokumentaryong “Edjop” at maikling pelikulang “Ang mga Alingawngaw sa Panahon ng Pagpapasiya.”
Sa mga nais manood, maaari nang magparehistro ng 3 n.h.
Bisitahin ang Facebook pages ng UPFI Film Center at Altermidya.