2025 UPD Year-End Program: Abé-abé/Kaisa
Ipagdiriwang ngayong Disyembre ng UP Diliman (UPD) ang 2025 Year-End Program na may temang Abé-abé/Kaisa.
Ang tema ngayong taon ay hango sa salitang Kapampangan na abé-abé na kung isasalin sa Filipino ay nangangahulugang pagsasama-sama.