Memorandum Blg. ECLV-25-030: Paglulunsad at Paggawad 2025
August 20, 2025
Malugod na inaayayahang dumalo ang mga kolehiyo, opisina, departamento, at yunit ng UP Diliman sa programang Paglulunsad at Paggawad 2025. Isa itong panapos-programa sa pangunguna ng Sentro ng Wikang Filipino-UP Diliman para sa Buwan ng Wika 2025 na may temang “Sulong: Wikang Filipino at mga Wika ng Pilipinas para sa Dangal, Husay, at Paglilingkod,” na gaganapin sa 29 Agosto 2025, 1 :00-5:00 nh, Bulwagang Atencio-Libunao,
Kolehiyo ng Batas, UP Diliman.