Notices

Bagong Bugso ng COVID-19, Labanan!









Sa gitna ng dumaraming kaso sa NCR, may mga variant na mas mabilis kumalat ngayon at higit na nakakahawa. Pinapaalalahanan ang buong komunidad ng UP Diliman na mahigpit na sumunod sa mga itinakdang protokol upang mabawasan ang transmisyon ng COVID-19. Maging alerto tayo.

1. Panatilihing maayos ang pagkakasuot ng face mask at face shield sa lahat ng oras habang nasa trabaho at kung kailangang pumunta sa kung saan man tulad ng parmasya (o botika), palengke o groseri.
2. Ugaliin ang madalas na tamang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig. Kung wala nito, gumamit ng 70% ethyl alcohol.
3. Iwasan ang matataong lugar at panatilihin ang physical distancing na hindi bababa sa dalawang metrong layo.
4. Siguraduhing may maayos na bentilasyon sa lugar na pinagtatrabahuhan. Buksan ang mga pinto at bintana para dumaloy ang hangin. Kung maaari, itutok ang electric fan palabas ng opisina, sa halip na ipaikot ang hangin sa kulob na kwarto.
5. Kung posible, at kung hindi kinakailangang pisikal na pumasok sa trabaho, manatili sa loob ng bahay, at iwasan ang face-to-face na pagpupulong at pagtitipon-tipon.
6. Kung masama ang pakiramdam, ipagpaliban ang pagpasok sa trabaho. Kumonsulta sa UP Health Service (UPHS) sa pamamagitan ng telemedicine, gamit ang sumusunod na link: https://uphs.appointlet.com/.
7. Kung sakaling mapabilang ang opisina sa mga minomonitor laban sa pagkalat ng sakit, mahigpit na sumunod sa mga payo ng mga contact tracer at ng Public Health Unit ng UPHS.
8. Kung ikaw ay karapat-dapat na mabakunahan laban sa COVID-19, magpabakuna. Ito ay para sa iyong proteksyon at para na rin sa inyong sambahayan at komunidad.