Takder: Ipagdiwang ang Sama-Samang Pagkilos ng Sambayanan

Ngayong Pebrero ipagdiriwang ng Kolehiyo ng Gawaing Panlipunan at Pagpapaunlad ng Pamayanan (CSWCD) ang taunang Linggo ng Kolehiyo. Layunin ng pagdiriwang na pagbuklurin ang mga guro, kawani, at mga mag-aaral ng CSWCD sa samu’t-saring aktibidad na labas pa sa mga regular na gawaing pang-akademiko at administratibo. Layon din nitong bigyang pagpupugay ang mga kasamahan sa Kolehiyo para sa kanilang serbisyo, mga akda, at iba pang natatanging kontribusyon. Ang Linggo ng CSWCD na may temang “Takder: Ipagdiwang ang Sama-Samang Pagkilos ng Sambayanan” ay gaganapin mula ika-26 hanggang ika-28 ng Pebrero 2019.

Bilang bahagi ng mga aktibidad sa linggong ito, maglulunsad ang iba’t ibang departmento at yunit ng CSWCD ng serye ng mga fora. Sa ika-26 ng Pebrero, 2:00 n.h. hanggang 5:00 n.h., ilulunsad ng Research and Extension for Development Office (REDO) ang isang public forum, “Pakighimamat: Naratibo ng mga taga-Mindanao sa ilalim ng Batas Militar”.

Isasagawa naman ng Department of Women and Development Studies at Doctor of Social Development program ang isang research forum na pinamagatang “Usapang Babae, Usaping Buhay: Kuryente, Pabahay, at Pagkalinga sa Kalunsuran” sa ika-27 ng Pebrero sa ganap na 2:30 n.h. sa CSWCD Seminar room.

Inihanda naman ng Department of Social Work at Junior Social Workers’ Association of the Philippines (JSWAP) ang isang forum na pinamagatang “Bata, Bata, May Mali ka bang Nagawa?” sa ika-28 ng Pebrero sa ganap na 1:00 n.h. sa CSWCD Seminar room.

Takder: Ipagdiwang ang Sama-Samang Pagkilos ng Sambayanan PDF

Posted: February 19, 2019 23:42