Lakbayan 2017

Sa ngalan ng Save Our Schools UP Diliman, ipinapaabot po namin ang isang imbitasyon para sa #Lakbayan2017.

Sa ikalawang pagkakataon, magsasanib pwersa ang mahigit 3,000 mga Moro at Katutubong Pilipino sa ilalim ng bandila ng SANDUGO – ang alyansa ng mga katutubo at Bangsamoro upang higit na magkaisa at ipabatid ang kanilang mga pakikibaka at kahilingan. Gaganapin ang Kampuhan mula Setyembre 1-21 sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman.

Ang mga katutubo at Bangsamoro ay magkakampuhan sa dating stud farm sa may CP Garcia Ave. para sa serye ng mga aktibidad.

Kaugnay nito, iniimbitahan po namin ang bawat isa na saksihan ang salubungan ng UP at mga katutubo na magaganap sa Agosto 31, Huwebes, 6:00 p.m.  sa University Avenue. Magkakaroon din ng maikling programa para i-welcome ang mga Lakbayani.

Sana ay makadalo kayo at maipakita ang suporta sa ating mga bisita.

Posted: August 29, 2017 13:41