Bilang papapatibay at pagtiyak na ang UP Diliman ay nananatiling makataong Kampus na may hustisyang pangkasarian, malaya sa diskriminasyon at pang-aabuso, isinasagawa ang Gender Sensitivity Training (GST) para sa mga guro, REPS, kawaning administratibo, mga security & janitorial personnel sa loob at labas ng Kampus ng UP Diliman. Bukas ito para sa mga empleyadong permanente, UP contractual at non-UP contractual.
Para sa mga kahilingan ng iba pang mga kolehiyo at opisina na balak magsagawa ng GST, makipag-ugnayan lamang kay Kristel Gomez-Magdaraog sa 981-8500 loc. 2467, mag-email sa updgo@up.edu.ph, bisitahin ang aming Facebook page sa facebook.com/updgo.2001/ o kaya dumeretso sa aming opisina sa 2nd Flr Benton Hall (katabi ng Lagmay Hall), M. Roxas St., UP Diliman, Quezon City.