Gender Sensitivity Orientation para sa mga klase ng National Service Training Program (NSTP) College of Engineering at College of Social Sciences and Philosophy

Oktubre 1, 2018
9 a.m.-12 noon
College of Engineering Theater

Oktubre 8, 2018
College of Social Sciences and Philosophy
2:30-4 p.m. Palma Hall Room 400

Magsasagawa ng Gender Sensitivity Orientation (GSO) para sa mga estudyante ng National Service Training Program (NSTP) ng College of Engineering at College of Social Sciences and Philosophy.

Taong 2013 nang maging isa sa mga common module ang GSO sa mga klase ng NSTP. Mula noon, taun-taon nang nagdaraos ng GSO sa mga kolehiyong mayroong handog na klaseng NSTP. Ang gawaing ito ay bahagi ng ibayong pagpapaabot ng usaping pangkasarian sa hanay ng mga estudyante sa UP Diliman.

Para sa mga katanungan at ibang impormasyon, makipag-ugnayan lamang kay Kristel Gomez-Magdaraog sa 981-8500 loc. 2467, mag-email sa updgo@up.edu.ph, bisitahin ang kanilang Facebook Page sa facebook.com/updgo.2001/ o kaya ay dumeretso sa kanilang opisina sa 2nd Flr. Benton Hall (katabi ng Lagmay Hall), M. Roxas St., UP Diliman, Quezon City.

Posted: September 25, 2018 16:13