A-TEN ‘TO: Kasali Ka sa Bagong Dekada

A-TEN-TION, MGA KASALI!

Samahan kami ngayong Marso upang ipagdiwang ang ten years of revitalized DZUP, dahil A-TEN ‘TO! KASALI KA SA BAGONG DEKADA!

Narito ang aming mga handog sa inyo dahil tunay na kasali kayo rito sa DZUP:

NEW PROGRAMS
Samahan sa usapan ang mga bagong kasali sa DZUP:
• It’s Lit (Tue, 10-11AM)
• Starter Pack (Tue, 12-1PM)
• Producer’s Hour (Wed, 1-2Pm)
• DZUP Sessions (Mon – Fri, 2-3PM)

“KASALI KA SA BAGONG DEKADA” EXHIBIT | March 2-6
Tunghayan ang sampung taon nating magkasali sa revitalized DZUP at ang mga aabangan natin sa bagong dekada sa isang interactive exhibit! Ang opening program ay sa March 2, 8:30-9am. Libre at bukas ito para sa lahat.

D, Z, U, o P? | March 2-6
Sumali sa aming quiz show on Facebook! Malay mo, isa ka sa 2 masuwerteng Kasali kada araw na mag-uuwi ng mga premyo!

KASALI CORNER | March 2
I-text, itawag, o i-message sa amin ang inyong mga pabati at babasahin namin ‘yan on-air!

OPEN HOUSE | March 4, 2:00 – 3:00 PM
20 Kasali ang makakapag-tour sa DZUP 1602, kaya mag-register na sa bit.ly/DZUPOpenHouse2020!

A-TEN ‘TO, mga kasali, dahil sa DZUP 1602, kasali ka!

*’A-TEN ‘TO’ took inspiration from UP Men’s Basketball Team’s Paul Desiderio

Posted: February 28, 2020 11:04